Naks - Tumblr Posts
Brush ba o gitara?
Pwede ba pareha?
Una sa lahat. Wow, tagalog tayo ngayon? Bakit hindi, pwede naman kasi tulad ng mga bagay na gusto ko pagsabayin; walang rules sa pagsulat, wala din naman rules sa pagpinta. Kaso minsan lito ako sa umaga kung ano ba? Brush ba o gitara? Obra ba o kanta? Pwede namang sabay pero ang tanong saan ba ko sumasaya? Walang sagot kasi gusto ko dalawa.
Hindi ba pwede yun? Masyado bang ambisyosa? Tingin ko naman hindi tayo humihinga para bigyan ng preno yung sarili natin sa mga bagay na humihila. Ano ba ang kaya? Diba kaya naman dalawa? Marami kumokontra kasi sabi nila dapat manatili sa isa.
Di ako okay talaga pag limitado ang galaw, di ako sangayon sa pagpilit sakin na ibahin sarili kong pananaw. Marami ako gustong gawin, siguro ang problema lang paano ko kakayanin.
Brush ba o gitara? Kahit ano.
Pero kahit kailan hindi pwede mawala yung dalawa sa sistema.